HULING PATAK NG DUGO / Tula ni: Abuosama Aliziad

Submitted by : aznasandroid on Non English Poems New

HULING PATAK NG DUGO
-Abuosama Aliziad-
(Kahalagahan ng DhulHijjah/Eid Adha)

Sasakalin kita ng diretso
Kung akala moy Islam ay sabay lang sa uso
Naghijab si fulana at nagbalbas si fulano
Sinuot mo ang islam para lang mapansin ng tao

Hindi mo ba alam na ito ay obligado?
Baliktad ang intensyon at nasilaw sa mundo
Wajibat ay dapat gawin kahit hindi mo gusto
Taat sa Allah at Rasul hindi sa yapak ng demonyo

Buwan ng sakripisyo ay hindi limitado sa pagkatay
Sundin si Ibrahim a.s. ng mamuhay ng tunay na tagumpay
Pagtanggi sa rebulto kahit inukit pa ito ng kanyang tatay
Hanggat tinapon siya sa apoy ng mushrikeen upang mamatay

Ikaw..ano bang sakripisyo sa Islam ang nagawa mo?
Mismo sa kapitbahay ang Da'wa ay pinagkait at itinago
Kasalungat sa Sahaba r.a. sa kanilang gawain at ehemplo
Tinaas ang Tawheed sinakop ang imperyo ng Roma at Persiano

Narinig mo na ba ang sakripisyo nila
Ang sakripisyo ni Bilal ibnu Rabah
Halos mamatay siya sa kamay ni Umayya
Ngunit Ahadun-ahad ang sigaw sa huling hininga

Ang katapangan ni Abdullah bin Hudafa AsSahmi
Prinsesang anak at pilak ang inalok sa kanya ng hari
Magmurtad sa Islam ang hiling at kaharian sa kanyay ihahati
Tinanggi ang hari at shahada sa kumukulong mantika ang pinili

Si Sumayyah ang nanay ni Ammar kilala mo ba?
Sa espada ni Abu-Jahal tiniis niya ang bawat parusa
Isang babaeng tapat at matiisin binansagang unang shaheeda
Pinangakuang "Sabran Alaa Yasir" ang destino nyo ay Jannah

Nakalimutan mo naba ang leon ng mga Qurraa'
Siya si Haram bin Milhan r.a. ang sahabi na tinaga
Sinaksak at sa kanyang kamatayan ay Da'wa ang Ginawa
Sumigaw sa langit “fuztu wa rabbil ka’bah” ang huling salita

Ang talambuhay ba ng mga Sugo at Propeta di mo batid
Kahit sa panahon ni Rasulullah kung ikay magmasid
Isang mensahe ang kanilang pinaglaban at ito ay Tawheed
Sinakripisyo ang lahat upang maging matibay sa landas na tuwid

Kaya lumaban ka at huwag na huwag aatras
Matuto sa mga sakripisyo na kanilang dinanas
Sundin ang landas ng SalafusSaleh sa bawat bakas
Ang kanilang legado ay wagas kaylanman hindi kukupas

Tandaan na ang sakripsyo ay hindi limitado sa kambing o tupa
Ang pagkatay kay Ismaeel ay maraming aral na makukuha
Pagsubok sa mga naniwala kung sino ang tunay na mananampalataya
Sinabi sa Quran: "Liyabluwakum ayyukum ahsanu amala.."

Sakripisyo sa Islam upang Tawheed ay hawakan
Tamang Aqeedah at Manhaj ang solusyon at kailangan
Alamin ang Relihiyon susi upang tumibay ang Eiman
Hanggang sa huling patak ng dugo Islam ay ipaglaban

-end-

Search
Who is new
Anya85pr
Anya82pr
Anya80pr
ClydeEpiva
KarenBlest
Recent Online Users
Abufawzaan
jhk