“Zina” (Pangangalunya) [Tagalog]
Submitted by : Jalil D. on Non English Poems New
“Zina”
(Pangangalunya)
Napakaikling kaligayahan,
Ilang minutong kahalayan,
Ilang dangal ang nasiraan,
Buhat sa sariling kayamuan,
Hindi kasalanan ang umibig,
Kung sa tamang lugar ititindig,
At sa tamang panahon ikakabig
Ang tinatawag mong pag-ibig,
Niligawan ka niya dahil mahal ka,
At sa kanya din naman ika’y sumisinta,
Anong hinihintay at pinapatagal pa,
Ang relasyon niyong zina o pangangalunya?
Labis ang biyayang ikinaloob niya sa atin,
Sa sambuntong grasya’y hindi tayo binitin,
Ba’t sa kabila nito’y na ako pang suwayin,
Ang nagkaloob at inabuso ang mahabagin,
Maghanap ng lalaking hindi mo pagsisisihan,
yung iibigin ka sa kalungkuta’t kasiyahan,
lalaking aalukin ka ng kasal at hindi kasalanan,
Yung aakay sayo sa kabutiha’t hindi kasamaan.
My page:
https://www.facebook.com/ipoetryart/